Monday, September 22, 2008

Handy Fascination

Palibhasa mana kay Itay mahilig sa last minute rush pag dating sa school works, niyaya ako ni Ineng na bumili ng mga charts containing reptiles, amphibians, birds, mammals and fishes. And while I was looking around in the pit box containing the sale goodies, here's what I fished in.

A 12 piece Faber Castell Pencils for 175 petots. I was fascinated kahit hindi ko alam kung mura or mahal pero I like this the first time I saw them aligned in this tin can.


And I was shocked when I saw this.

Hand Shredder!! hindi pa nalagyan ng y sa huli para naging handy shredder na lang... but a hand shredder...oh my golay!!! buti na lang Ineng was really fascinated shredding papers, she doesn'task why it's named hand shredder which was frighteningly can shred your hand. hehe.


Thursday, September 18, 2008

PBA Blogger's Choice Award


    I'm giving my vote for Marhgil www.macuha.com for Blogger's Choice Award Category in Philippine Blog Awards. 

Why (3 reasons please)? Bukod sa 1.wala lang, 2.kapitbahay namin siya (sa Batangas man or sa Makati) at 3.madaling utangan (sa tingin ko lang :P). 

They made this event possible. Salamuch sa inyo. :)

Egg Plant





 Ayan ang living proof na talagang Itlog na Halaman ang tawag sa talong in English EGG PLANT. Parang itlog lang na nilagyan lang ng tangkay eh...

  Wala sanang makakitang buntis... **sorry mga asawa ng mga buntis... this is a rare nature-plant disorder sabi nung nagtitinda or else sana may nakatuklas na pano itanim ang puting eggplant. :)**

Friday, September 12, 2008

All We Need Is Love

Ineng: Inay, is love never ending? 

Inay: Opo.

Ineng: Why?

Inay: Because there are so many things to be loved and the people around us needs love.

Ineng: Ahhhh... We love all the people, lahat lahat sila pero di ko sila lahat pwedeng sabihan ng I love you kasi mamaos po ako.

:P

Tuesday, September 09, 2008

Metallignetic

Being magnetized by the latest album of Metallica (ang aga nilang magpa press release), nakita ko yung Revolver Magazine sa isang "good samaritan" website... Pinilit ko si Itay na halughugin ang lahat ng Imported Magazine Stands sa Manila.. Nakasama pa nga ako eh nakarating kami ng MegaMall, Market!Market!, muntik pa sa MoA at ayun sa GLORIETTA lang pala!!!!! Sorry, for Iam so capricious.... pero tulad ng Eraserheads, I am a very die hard of Metallica... At ito ang first time ko na magkaron ng magazine na Metallica ang cover... Naiba ang bassist pero Metallica pa rin...Kamuka rin naman... hehehe

At si Ineng nakipicture na rin just to show off her "new look"... BANGS

Friday, September 05, 2008

Eraserheads Mania


Until now, as of this very moment, I haven't gone back to normal since I saw Eraserheads reunite for the fans. Nakapamamangha pa rin hanggang ngayon na sila ay makitang muling magkakasamang tumutugtog. At para sa fans na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila ay hindi pa rin sila nagbabago and it seems that they are not getting old. And halos lahat ng tao sa gabing yon ay muling naging bata and happily reminiscing the good old days. Except for a not so happy ending dahil sa matinding pagod ni Ely dahil sa kanyang mga matinding pinagdaanan ng mga huling araw bago pa ang concert. At ang lahat ay umunawa at naintindihan ang kalagayan niya dahil tulad ko mas ayaw kong makikita na sa entablado pa may mangyayaring hindi maganda.

I am almost always ending up teary eyed upon reading other blogs about the post Eraserheads concert and the pictures that really tells a thousand words. It breaks my heart seeing him that way but later on I am consoled by the thought na naagapan lahat ng mga pangyayari :)

And thinking na ganun nga lang ang naging outcome ng concert para sa akin ay sulit na sulit na ako sa maaga kong pagluwas sa Maynila, maagang pagdating sa venue (as in after lunch pa nga lang gusto ko ng pumunta hehehe), sa pagkakabilad sa init ng araw, sa matinding pagka uhaw, sa pagpipigil ng aking sarili na wag ilabas ang camera kasi nagagalit si Manong Guard na bawal daw dun ang camera kahit point and shoot, order daw sa kanila... kaya sa susunod bibili na talaga ako ng camera na may cellphone! (parang cellphone na may camera ata) hehehe eh ika nga sa tv, " it's so sulit !"

At pag uwi ko dito sa Batangas City pilit kong hinalukay at pinaghahanap ang mga natitira ko pang mga collections. Dahil kasi sa member din kami ng No Permanent Address Society di ko masisi pag may nawawala sa mga gamit ko. Malimit mapatapon, ma misplaced or ma-arbor ng mga maiiwanang kaibigan (eh Eraserheads lang naman at kaunting Metallica pa lang talaga ang collection ko). Kaya ayun nauubos at nawawala at nadedekwat pa nga. At hindi pa nasiyahan ay nagkuwento pa ako sa aking Ina tungkol sa sayang idinulot nung makita ko silang apat na sama sama. Noong una kasi ay tutol na tutol siya tulad ng dati eh kawasa matanda na ko ngayon kaya di na ko mapipigilan pero dati pa rin naman kahit na anong mura at kurit at panenermon ang napapala ko eh kalikalinda ko pa rin ang aking kaibigan para manood ng Eraserheads noong sila ay dumadayo pa dito sa Batangas City.

Nagpapasalamat ako kay Markus na nagbigay ng VIP pass. Di ko akalain na isa ako sa mapapalad na mabibigyan nito kasi siyempre family first, friends of the family, friends of the family's friends, friends of the friends of the family's friends at friends of the friends of the friends of the family's friend pa bago pa ang die hard fans, fanatics at fans kaya talagang naging hamit na hamit ako.

Kaya para kina Ely, Raimund, Markus and Buddy...

~~...a few hours is better than never...~~ (sulit na sulit na talaga ang part1, alapaap pa lang)

~~...If we could only make it longer....~~~
Sabi nila may part 2 pa pero wag mag apura... Kasi para sa akin,

We've waited this long and it was worth the wait. We are willing to wait again kasi sure ako, it will be another worthy wait (ano daw?) basta.

********************************************************************************
And now for the update... I've bought Myx Mag dahil nanunumbalik ang Eraserheads. I think simula na naman sa pangongolekta... Adik na naman. ;)