Saturday, May 24, 2008

sorely missed

It's been awhile na pala noh. :) Sa sobra kabisihan ng bising bisi talagang hindi na ko magkandaugaga. And now, I found this precious moment. Napatigil ang raket officially sabi ni bossing kaya eto nga while logging in namiss ko bigla. Ano na nga ga ang mga pinagdaanan ko... Lemme ponder...

Ayun, nagbirthday nga pala ako. Malaking pasalamat kay Lord for giving me another year at wish ko siyempre more years to come. Salamuch sa mga bumati at naka alala. :)

Si Ineng din nag birthday na. Again longing for a party pero promise namin sa kanya sa 7th bday na lang. Promise!

Then sa june naman, bukod sa pasukan, fiesta. Kasama si Ineng sa mga Reyna Prisintada hehehe :D Nagsukat na siya ng gown. Tapos, gusto ko sana ako na lang ang babanat ng hair and make up. :D Nakabili ako ng book talagang kinarir na :D

Tapos ayan na muna nalimutan ko ang iba.