Wednesday, February 27, 2008

Kakaba kaba

Whenever Ineng would face me with her serious oh-oh face, ayan na... thousands of sceneries would quickly flash into my mind together with the dribbling of my heart...

A couple of weeks ago, she told me "Inay, sabi sa akin ni Teacher kakausapin daw ako ni Miss Director... Siguro po Inay gawa ng hindi pa ako bayad ng tuition ko."
Inay: "O sige Ineng pagkasahod ng Itay mo, uunahin kong bayaran yan."
---------
And then, just this last week, her Itay fetched her from school and Itay shouted at the gate, "Inay!!!! Ineng was sent to the office!!!"

Ayan na nga po kinabahan na ako ng kabog kabog. Ano kaya ang nagawa ng anak ko at naliligaw na sa principal's office. Tiningnan kong maigi ang buhok, mukha namang hindi nakipagsabunutan, hindi naman gusot ang uniform para makipagrambulan...

And when she came near... I asked her panicking..."Bakit?!? Anong nangyari???"

"May pina recite po sa akin ang School director (naku, baka yun yung famous line ni Bart Simpson na "I won't ____" na hundred times sinusulat sa black board at kay Ineng siguro sa sobrang taklesa eh pina recite na lang)

at sabi niya... "BRAVO!! BRAVO!! Ano po yung bravo?"

Haaaayyyyyyy... What a relief.... Kala ko magmamana kay Itay. Lagi kasing kinukwento sa akin ni Mama (mama ni Itay) na sobrang kulit para na rin daw silang napasok sa school dahil laging pinatatawag ang magulang sa Guidance Office.

That's why I'm so worried when Ineng told me that she was sent to the Principal's Office...

Naku Ineng... :)