Sunday, May 20, 2007

10 araw na ang nagdaan

... ng ako ay huling tumipa dito sa alpabetong talapindutan ni biyabit. Tulad ng GMA-7 meron din akong "wrap" for the week.

Lumipas ang Araw ng mga Ina or Mother's Day nung May 13 araw ng Linggo. Natutuwa ako kay Itay kasi ipinagluto niya ako ng almusal. :) Kahit iyon ang isa sa pinakamadaling luto eh nasarapan pa rin ako kasi iba ang nagluto. hehehe. At kahit gabundok na hugasin ang iniwan sa akin eh ok na rin kasi iba ang nagluto ng almusal. :D Lahat ata ng kubyertos, sandok, kaserola, palanggana, tinidor, abrelata, siyanse, plato, kawali basta lahat ng gamit sa kusina ay nagamit ni itay sa pagluluto lamang ng pritong itlog at spam at hotdog. hehehe... Kakamot kamot ang ulo ng ako'y napasulyap sa lababo. :) Pero salamat po itay. Ako po ay lubos na nagalak kasi po nalaman na rin ni Ineng na hindi lang babae ang nagluluto. Kahit walang regalo (pero utang yun ha! hehehe) eh napaka espesyal na umaga ang inyong hatid ni ineng nung Mother's Day. :) Kala ko nga po hindi mo ko babatiin at ang idadahilan mo sa akin eh hindi ako ang iyong ina para batiin ng Mother's Day. hehehe

Tapos dumaan din ang halalan o eleksyon. Ilang botosan (ika nga ng mga matatanda) na din ang dumaan at ginanap ang aking tungkulin bilang isang mamamayan. hehehe. Kumonti na ang boto ko ngayon kasi yung iba yun na rin naman, naiboto ko na sila at hindi sila pumasa sa quality control ng inyong tiya kaya hindi na. Ayoko ng mapabilang ang isa kong boto sa kanila. At sana sa mga naisulat ko sa balota ngayong halalan na magwawagi ay wag akong biguin kasama ng aking pag asa. naks.

Nagdaan din ang balita mula sa baryong di kilala dito sa Pilipinas na ni minsan ay di ko iniisip na magiging laman ng mga radyo, telebisyon at pahayagan. Ang mga baryo na malapit sa akin dahil dito ako lumaki ng ilang taon at natutong maging magsasaka at mamuhay ng may simpleng pangangailangan. Alam naman natin siguro ang trahedyang inabot ng Baryo Pinagbayanan, Taysan, Batangas at ang maliit na kaganapan sa Mabayabas, Taysan, Batangas. Kapwa kakilala namin ang mga taong sangkot dahil di naman gaanong karamihan ang mamamayan doon.

At nagdaan din araw na sobrang sakit ng aking ulo na ako'y talagang hirol sa sakit at magising at makatulog na masakit ang ulo na talaga namang nakawiwindang.

Nariyan din ang pag gaan ng aking kalooban sapagkat dininig ng Panginoong Bathala ang aking panalangin na nawa'y maging maayos ang lahat para sa aking mga byenan.

At nga pala, bumili ako ng cellphone Nokia 1112 . Ito ang may pinakamababang halaga ng "low-end" Nokia brand na cellphone. Magandang gamitin ng mga bata o matanda o yung mga taong may kalabuan ang mata kasi malalaki ang mga letra. Nanghihinayang akong bumili ng mga may camera na cellphone kasi kaya na rin nitong bilihin ang camera na gustung gusto ko.

Aba, may kahabaan din pala ito. Ang busy pala ng sked ko this past week. hehehe