Tuesday, May 29, 2007

Heart Melting Story

I've decided to post this story here since ito naman ay hindi ko original write-up (naks).. hehehe... as much as possible kasi dun ko lahat nilalagay ang mga nagugustuhan kong article or picture na mula sa iba. At since for personal collection ko lang naman eh hindi na ko nagpapaalam sa may gawa nun pero acknowledge naman through the link na pinakikita ko kung saan ko hinugot, pinindot at kinuha.Yun nga lang... walang paalam... hehehe sensha na....Try reading it at ewan ko lang kung di ka maiyak. Pwede rin namang di maiyak lalo pa kung di ka iyakin. :D Pero para sa akin pihado at sigurado maiiyak ka. ;)

Sunday, May 20, 2007

10 araw na ang nagdaan

... ng ako ay huling tumipa dito sa alpabetong talapindutan ni biyabit. Tulad ng GMA-7 meron din akong "wrap" for the week.

Lumipas ang Araw ng mga Ina or Mother's Day nung May 13 araw ng Linggo. Natutuwa ako kay Itay kasi ipinagluto niya ako ng almusal. :) Kahit iyon ang isa sa pinakamadaling luto eh nasarapan pa rin ako kasi iba ang nagluto. hehehe. At kahit gabundok na hugasin ang iniwan sa akin eh ok na rin kasi iba ang nagluto ng almusal. :D Lahat ata ng kubyertos, sandok, kaserola, palanggana, tinidor, abrelata, siyanse, plato, kawali basta lahat ng gamit sa kusina ay nagamit ni itay sa pagluluto lamang ng pritong itlog at spam at hotdog. hehehe... Kakamot kamot ang ulo ng ako'y napasulyap sa lababo. :) Pero salamat po itay. Ako po ay lubos na nagalak kasi po nalaman na rin ni Ineng na hindi lang babae ang nagluluto. Kahit walang regalo (pero utang yun ha! hehehe) eh napaka espesyal na umaga ang inyong hatid ni ineng nung Mother's Day. :) Kala ko nga po hindi mo ko babatiin at ang idadahilan mo sa akin eh hindi ako ang iyong ina para batiin ng Mother's Day. hehehe

Tapos dumaan din ang halalan o eleksyon. Ilang botosan (ika nga ng mga matatanda) na din ang dumaan at ginanap ang aking tungkulin bilang isang mamamayan. hehehe. Kumonti na ang boto ko ngayon kasi yung iba yun na rin naman, naiboto ko na sila at hindi sila pumasa sa quality control ng inyong tiya kaya hindi na. Ayoko ng mapabilang ang isa kong boto sa kanila. At sana sa mga naisulat ko sa balota ngayong halalan na magwawagi ay wag akong biguin kasama ng aking pag asa. naks.

Nagdaan din ang balita mula sa baryong di kilala dito sa Pilipinas na ni minsan ay di ko iniisip na magiging laman ng mga radyo, telebisyon at pahayagan. Ang mga baryo na malapit sa akin dahil dito ako lumaki ng ilang taon at natutong maging magsasaka at mamuhay ng may simpleng pangangailangan. Alam naman natin siguro ang trahedyang inabot ng Baryo Pinagbayanan, Taysan, Batangas at ang maliit na kaganapan sa Mabayabas, Taysan, Batangas. Kapwa kakilala namin ang mga taong sangkot dahil di naman gaanong karamihan ang mamamayan doon.

At nagdaan din araw na sobrang sakit ng aking ulo na ako'y talagang hirol sa sakit at magising at makatulog na masakit ang ulo na talaga namang nakawiwindang.

Nariyan din ang pag gaan ng aking kalooban sapagkat dininig ng Panginoong Bathala ang aking panalangin na nawa'y maging maayos ang lahat para sa aking mga byenan.

At nga pala, bumili ako ng cellphone Nokia 1112 . Ito ang may pinakamababang halaga ng "low-end" Nokia brand na cellphone. Magandang gamitin ng mga bata o matanda o yung mga taong may kalabuan ang mata kasi malalaki ang mga letra. Nanghihinayang akong bumili ng mga may camera na cellphone kasi kaya na rin nitong bilihin ang camera na gustung gusto ko.

Aba, may kahabaan din pala ito. Ang busy pala ng sked ko this past week. hehehe

Thursday, May 10, 2007

Ineng is playing with her Vtech. And because I was too tired I can't wait until she sleeps so I lied down beside her and wrap my arms around her waist so in case she stands up for something I would wake up. But she insists not to and instead asks, "Inay, can I put my laptop above your stomach?"
inay: And what makes you think I would allow???
"I think your pretty!"
Hehehehe.. Can't help myself flashing a wide grin. And makes me awake and play with her.

Thursday, May 03, 2007

Itay never gets tired of adoring me. So does Ineng... Natutuwa ako sa kalambingan niya.
Sana lagi sila ganun. :)

Inay, maganda pa rin po kayo kahit mapula ang ilong nyo.
Inay, kahit malaki ang tiyan mo sexy ka pa rin po.
Inay, kahit madami ka tagihawat you look pretty.

hehehe...

Tuesday, May 01, 2007

Excitedness

Maganda ang gising ni Ineng kanina... bukod sa pagbati niya ng good morning inay ay excited niyang itinanong... "Inay, May 1 na po???" yehey!!! malapit na ang birthday ko!!

She'll turn 5. Excited na excited. Ako din noong bata pa laging excited sa birthday ko.
Wala naman akong naranasang party kahit noong nag 18 na pero excited pa rin :)

Excited na rin akong ipost ang aking nakunan kahapon. May nakasuno akong isang babaeng walang puson na may suot na hapit na hapit na tshirt na nakatatak ay "I wish these were my brains" ... somewhat, somehow na ooffend ako. Ewan ko kung bakit... Siguro dahil dam-dam din ako. hehehe



Tapos itong tricycle... nakasulat sa likod eh "Virgin sakay ko" ang pagkakasulat ng salitang virgin ay yung logo ng inuming Virgin cola at Virgin Records. Wala lang. Nothing offensive. Nakatutuwa lang. :)

At excited ding nagsend sa akin si itay ng pics sa eb niyang na attendan... Tinatanong sa akin kung magseselos or nagseselos ako. Hay naku, wala na akong panahon sa selos selos na iyan. Ako rin naman ang nahihirapan eh. Ako ang nagagastusan at nag iimis (shempre pag galit ka ang sarap maghagis ng mga bagay na nababasag hehehe) tapos dahil basag na wala kayong gagamitin at kelangan mo na namang bumili eh dagdag gastos yun abunado pa ko. hehe At saka siguro mababaw pa sa standards ko yun. :D