Monday, February 05, 2007

Ang Tanong ng Buhay

Naglalakad na kami ni ineng pauwi ng bahay. Ng bigla niyang naitanong na naman sa akin.

ineng: Inay, paano ga po kayo nagawa ni itay ng baby? Paano nyo ako nagawa?

Ako ay nabigla at napahiya sa pagkakataong iyon, sa totoo lang, kasi may kasabay kaming teacher na naglalakad at nakatawang napatingin sa akin. At buti na lang nakabasa na ako ng parenting book na nabanggit ko na nung nakaraan kong post. Ang mga tanong ng bata ay walang bahid ng "ibang kahulugan" di tulad nating matatanda na konting playing of words lang ay "may double meaning" kaagad. At sa halip na ipahalata na ako ay napahiya, nginitian ko muna si ineng sabay sagot na,

inay: Ang sperm cell ni itay at ang egg cell ni inay ay nagsama sa loob ng tiyan ni inay.

Sa ganoong simpleng paliwanag ay ok na siya. At na recall ko, tama nga ang sabi nung parenting book, one question-one answer lamang ay kuntento na ang mga paslit. Follow up question.

ineng: Paano po ako nagkamata, at nagkaron ng kamay?
inay: Sa pamamagitan ng tamang pagkain at pagdarasal kay God ay lumaki ka ng husay at maayos sa loob ng tiyan ni inay.

Sa aking pagbubuntis kay ineng, ako na yata ang pinakamaswerteng ina. Ni hindi ako naglihi na aabot sa puntong magsusuka, sasakit ang ulo, tiyan. Namimili ng amoy at mga pagkain though may paborito ako pero wala akong pinandirihan. Naging mas lalong antukin lamang. Tapos laging nanonood ng Doraemon, Dora, Blue's Clues, Conan the detective tuwing umaga at hapon. Hanggang sa panganganak ay hindi ako pinahirapan dahil ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagkirot ng aking tiyan, kundi mga paghilab lamang. At sa pagpapalaki ko kay ineng, tumataas ang level of tolerance ng aking pagiging pasensyosa. :)