Friday, February 23, 2007

Spaces

For a change of view in our small spaced kitchen/dining I switched a couple of things. And to my daughter's delight she was overwhelmed and asked:

Ineng: Inay?!?! Bakit nagkaganyan ang lamesa natin??!?
Inay: For a change Ineng... Para naman maiba ng konti.
Ineng: Eh paano po ang lababo?? Saan mo ililipat?

Hehehe.. Kala ni Ineng i-o-overhaul ko ang bahay. :D

Thursday, February 22, 2007

Showbiz Chismis

showbiz chika naman tayo...

Si "hope" daw na diumano'y third party ni James Yap na asawa ng bunsong anak ni Former Pres. Cory Aquino na si Kris Aquino ay humihingi ng sustento dahil nakabuo daw. :D Sabi sa "source" na talagang may angking kagandahan itong si "Hope" kaya daw palaging maraming artista na boys ang nagpapafacial sa skin clinic ni Dra. Vicky Belo. hmmmm.... At lalantad na daw itong si "Hope" sa Startalk. Siyempre, kasi kukuyugin siya sa The Buzz. hehehe

Tuesday, February 20, 2007

Pay It Forward

I have been sorrounded of many people with pure kind hearts this day. Nagpunta kasi ako ng SSS - Social Security System Office Batangas City Branch. I got there as early as 6:45 am para makakuha ng number at hindi maabutan ng mahabang pila. The Manong guard was very kind and accomodating. At kala ko hindi ako lalampas sa number 10 pero # 25 yellow lane na pala. Kaya I am assuming I will finish by 11:30. The office hours is from 8 am till 5pm, so just imagine we have to wait and roam and stand still for an hour. So there, the people are getting annoyed, it's getting hotter, the sun is beginning to scorch our faces but 8am isn't coming around. Blah, blah, blah... kwento dito, reklamo doon, tanong dito, hunta doon. Katabi ko ang Mamay ang sabi niya sa akin "Alam mo ineng, kanina pa ako dito bago mag alasais, ang akala ko ako na ang una iyon pala ay hindi pa." Being shy, I just smiled at him and asked me... "Ikaw ga, anong number mo?" I showed him, "#25 na nga po ako eh"... Ang dami na pala, kala ko kakaunti pa, he shrugged... At ayun dumating na si alas otso. Everyone rushing to go inside the office to spot a not so nice seat, at least seated. Then after 5 minutes, Mamay approached me, "Hija, ako ay #4 iyo na itong number ko at hindi ko na ito maasikaso pa." Left me shocked kasi number 4!! Ang lapit ko na... Kaya yagyag ako papuntang unahan ng pila. Waited for 10 minutes then ako na. In short, exactly 8:30 natapos ako. Buti na lang ang babait ng mga tao na nameet ko. Pati sa BIR. Kaya in turn... I have to pay it forward kasi they never even bother my heartfelt thanks which means it would be much more meaningful if I will pay it to others. :)
At nga pala, kung may iba pang nagbabasa o napadaan dito... Ituloy AngSulong !!!!

Monday, February 19, 2007

Thursday, February 08, 2007

Happiness



One of the best picture I have. I don't know why, but everytime I look at it I feel happy. :) Maybe it's the baby. Seems that he knew he was kissed by the late Pope.

Monday, February 05, 2007

Ang Tanong ng Buhay

Naglalakad na kami ni ineng pauwi ng bahay. Ng bigla niyang naitanong na naman sa akin.

ineng: Inay, paano ga po kayo nagawa ni itay ng baby? Paano nyo ako nagawa?

Ako ay nabigla at napahiya sa pagkakataong iyon, sa totoo lang, kasi may kasabay kaming teacher na naglalakad at nakatawang napatingin sa akin. At buti na lang nakabasa na ako ng parenting book na nabanggit ko na nung nakaraan kong post. Ang mga tanong ng bata ay walang bahid ng "ibang kahulugan" di tulad nating matatanda na konting playing of words lang ay "may double meaning" kaagad. At sa halip na ipahalata na ako ay napahiya, nginitian ko muna si ineng sabay sagot na,

inay: Ang sperm cell ni itay at ang egg cell ni inay ay nagsama sa loob ng tiyan ni inay.

Sa ganoong simpleng paliwanag ay ok na siya. At na recall ko, tama nga ang sabi nung parenting book, one question-one answer lamang ay kuntento na ang mga paslit. Follow up question.

ineng: Paano po ako nagkamata, at nagkaron ng kamay?
inay: Sa pamamagitan ng tamang pagkain at pagdarasal kay God ay lumaki ka ng husay at maayos sa loob ng tiyan ni inay.

Sa aking pagbubuntis kay ineng, ako na yata ang pinakamaswerteng ina. Ni hindi ako naglihi na aabot sa puntong magsusuka, sasakit ang ulo, tiyan. Namimili ng amoy at mga pagkain though may paborito ako pero wala akong pinandirihan. Naging mas lalong antukin lamang. Tapos laging nanonood ng Doraemon, Dora, Blue's Clues, Conan the detective tuwing umaga at hapon. Hanggang sa panganganak ay hindi ako pinahirapan dahil ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagkirot ng aking tiyan, kundi mga paghilab lamang. At sa pagpapalaki ko kay ineng, tumataas ang level of tolerance ng aking pagiging pasensyosa. :)

Friday, February 02, 2007

Maligayang Bati

Happy Anniversary Itay!! Kahapon. hehehe. ok lang itay kung hindi tayo nagkabatian ng angkop sa mismong kaarawan ng ating pagiging magsing irog. basta mahalaga ay importante, mahal kita. :)

Ang regalo mo nga pala? hehehe:D