Friday, January 05, 2007

Shen Gong Wu

haayyyy.... salamuch... nakapasok din ako sa blogger for the very first time na ok na ok... last ko kasing pag la login pinagapang ako ng husto... sa sinipi lang ako nakapagpost... tapos ayun talagang tumigil na... and while watching Xiaolin Showdown eh eto nga, unang attempt ng pag lalogin eh tuluy tuloy na at nakapag switch pa ako ng not beta anymore. :) at ang pinaka cute na laging sinasabi ni Omi at Dojo ang phrase na "Shen Gong Wu" kaya yun na pinamagat ko... hehehe...

si ineng masyadong naiiimpluwensiyahan ng Bratz for the kakikayan thing... at hi-hi puffy ami yumi sa way ng pagtugtog ng gitara... at ang alam niya basta nakapagkalabit ng tiyan e marunong ng mag gitara... (ang mga bata nga naman...) at kanina nung "toothbrush session" namin... naging issue sa kanya yung natatanggal na ngipin... hindi ga daw marunong mag tutbras yung lola ko na hindi inaalis ang sampung ngipin sa bibig... ineng, pustiso ang tawag sa natatanggal na ngipin na naiibalik uli... at sadya iyong naaalis tuwing manghihiso para malinis ng husay...

at yung kakikayan thing... buti na lang at napigilan ko na ring wag laging mag make up si ineng... masyado niya akong ginugulat... nagulat ako nung nakita ko siyang maglagay ng mascara sa pilik... na insecure ako... :D kaya sabi ko sa kanya wag na muna maglagay ng make up kasi napakabata pa nya... o sige po inay, next christmas na lang... pumayag na rin... tutal kelan pa ga uli mag papasko... :D

bigayan na ng card ni ineng this friday... nakalimutan ko nga pala ipost sa album ang test scores niya nitong huli... hmmm... ano naman kaya ang issue ni buninay pag nakausap ko si teacher... dati kasi hangang hanga si teacher.... naturuan daw niya agad maging ingglisera si ineng... ambilis daw matuto...

christmas gifts... pinaka memorable kay ineng ang gift ni tk kasi porke nga nakababasa na siya ng pautay utay, tuwang tuwa siya na sa kanya nga pala daw yung gift kasi pangalan nya nakasulat tapos daw purple is her favorite color as of this moment... ilang color na ga ang binigyang pansin ni ineng... pink, white, and purple... yellow di pa gasino... red di rin masyado... sa banda banda pa riyan magiging favorite din niya yan... may mga nagpapasko sa kanya ng cash kaso lang wala siyang pakialam sa money... siguro dahil hindi ko agad ipinakilala si ninoy or si roxas... hehehe... di rin ugali ni ineng magsabit ng medyas para lagyan ni santa claus ng biha :D ayaw kasi namin ni itay na laging wishful thinking na yung gusto niya ang susundin ni santa claus.. at unfair si santa claus magbigay... tulad nung bata ako... bakit yung classmate ko binigyan daw ni santa samantalang ako wala?!?! eh mas ipokrita siya.. hehehe pero hanggang highschool ako (until 16 to be exact) lagi kong inaabangan si santa sa langit tuwing dec.24 kasi bukid na bukid dati yung pinag aabangan ko as in kita mo lahat sa langit at sa pagbabantay ko noon siguro mga isang libo at laksang falling stars na ang nakita ko at 2 thousand wisheses na ang nagawa ko... pero shempre takot ako sa ik ik kaya sinasara ko na bintana pagpatak ng 12:30 am at nagtatalukbong na ko ng blanket para makatulog agad. wala namang santa na nalipad kasama ng reindeer... ok lang may falling stars naman... :D

lulubusin ko na ito hangga't may connection kasi pihadong bukas pahirapan na naman... lag at laglag na naman ang aabutin ko...

at dun nga pala sa monetary gift ni ineng na galing kay nanay tiya.. sabi niya sa akin ibibili daw niya ng crayon... kaya magsha shopping na rin ng crayon bukas at baka magastos ko pa... anyway hindi naman kalakihan kaya kayang kaya kong bayaran kung magastos ko man... hehehe... pero iba pa rin yung hindi mo naibo di ga.

siguro nga maganda eh ikuha ng bank account si ineng para yung mga pesoses niya eh naiipon... san kaya maganda?

makapagtanong pala kay "Jose Pidal"... hehehe