Monday, December 04, 2006

XIII NU Rock Awards

"1 Messaged Received" Reading Message..... "Inay, lumuwas ka na ngayon". Huwebes pa lang horny na. Kasi nga naman bagyuhan. Tumawag sa ticketnet non refundable, no further notices of delaying... kaya ayun, luwas agad ako ng huwebes para hindi na abutin ni Reming. Horny na maka attend sa XIII NU Rock Awards.

The first rock awards I've attended. I think I've lost 10 lbs of sweat and my vocal chords got on its peak once again freaking the people off on my front and eventually putting their noses go back on the entrance door. Pasensha na kayo talaga lang lumalabas ang pagiging irit queen pag ka may nag da drive sa akin para sumigaw.

And as usual iisa lang naman ang pinaka aabangan ko sa lahat. Ang buena mano for an photo op, si Ely Buendia and the rest of ex- Eraserheads. Kung alam mo lang Ely... katorse anyos pa lang ako gustung gusto ko na kayo ma meet. And kahit na wala ng Eraserheads maka Eraserheads pa rin kayo para sa akin. hehehe... It was totally awesome, Iam super starstrucked and electrified when I got the chance to hold your hands. Sayang at si Marcus lang ang wala. Pero ok na rin at least I got you three. Talagang fanatic na fanatic ako nung andun ako sa backstage and if not for my bodyguards (hehehe) gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa inyong tatlo how grateful Iam to meet you and Iam your diehard fan (as if I can eh ang dami din na gustong makipag photo op). Si Raimund may oozing machismo pa. Si Ely (I gripped his hand as long as I can) hehehe and Buddy (I like the way he smiles) ok lang. :-)

Then si Chito Miranda of Parokya ni Edgar ok na ok din. Inagaw ko pa si Buwi dun sa girl niya. (sorry girl ha number one fan din ako ng parokya eh). Dadalawa lang kayong nahuli ko sa bitag pero ok lang at least eh naka dalawa.

Yung pinaka makulit na si Jay Contreras ng Kamikazee (nakalimutan kong sabihin na I'm Joy... hehehe... it should be "hi, jay!!! i'm joy..." hehehe) Sayang hindi ko nakita ko yung iba mong kasama na makukulit din for a photo op. Anyways it's okeys. :) I can catch you some other day. :D

Then not to forget The Dawn The Legend. Ito talaga, grade two pa lang ako Envelope Ideas na kaya nung sila ang nagperform parang nawala ako sa sarili. Ikaw ga naman, kalakihan mo ang ganung kanta tapos makikita mong pineperform ng mismong bandang kumanta nun pag di ka naman naragandang. Super Sweet pa ni Jett. hehehe. Naka purple kasi.

Then before nga pala kami pumasok nung past 7pm na eh naiwan pa kaming dalawa ni penoy dun kasi bawal daw ang camera ipasok na kesyo wag na po nating hintaying ma kumpiska chuva blah blah. eh di yagyag kami para itago ang pinaka iingatang camera dun sa paragos ni marhgil na medyo nabibiling pa ako kasi ang tingin ko sa mga kalabaw eh pare pareho na. Tapos atat na atat na akong makapasok sa loob. Tapos ayun nakapasok din. Nagpa uso na 2 cans of PepsiMax na lang imbes na 1 glass of Red Horse Beer at 1 can of PepsiMax. "Eh kasi po hindi po kami nag iinom. Eh kasi po high blood. Eh kasi po. Eh kasi po." And then ayun hindi rin pala pwedeng ipasok sa venue proper kaya laklak lang ng laklak hanggang maubos. Sayang ang free. Tamang bagong kain kaya tamang tama naubos ko ang dalawang magkasunod.

Tapos sa entrance, nakasalubong ko ang Eigenmanns (correct the spelling please, not sure if i hit it right) yung si geoff and a younger brother. sayang wala yung isa.

Tapos si Borgy Manotoc. Sayang hindi ko agad nakita si Ornussa sa likod niya nakapag papicture din sana. Sasabihin pa din sana ni Itay na "Hi, Ornussa! Swap Partners? Type ko si Borgy eh." harharhar

Well, all in all it was great and hoping to catch more of it next time.



Teka nga pala birthday greetings.
Happy Birthday Tita Ites and kay Maria Christina Mendoza my highschool buddy. =)