Wednesday, November 01, 2006

baby making

kahapon sumabay kami sa mga nanay tiya sa pagdalaw sa Taysan Public Cemetery. May kahabaan ang byahe kaya buti na lang at may private vehicle silang dala. Kaya ayos na ayos ang upo namin at nakakapaglambingan pa kami ni ineng sa likod ng biglang....

ineng: inay, paano ga po ginagawa ang baby? paano ka nabuntis? alam ko po love nyo ako ni itay pero paano?

----buti na lang at nakapag basa ako ng isang parenting book na ang ganitong mga katanungan ng bata ay hindi dapat pinalalampas ng isang magulang na walang isang makabuluhang kasagutan. at tama ang author ng libro karaniwang naiisip ng mga bata ang ganitong klase ng tanong kapag nasa mahabang byahe... kaya sinagot ko na lang sa abot ng aking makakaya...

inay: ang baby ay nabubuo sa pamamagitan ng egg cell ng mother at sperm cell ng father.

----sabi ng author ng parenting book na nabasa ko, ganun lang naman kasimple ang sagot. at tama rin si author, pag nasagot mo ng direct to the point eh hindi na nagpapa elaborate ang bata. mas lalo lang naku curious ang bata kung ang isasagot daw eh... "napakabata mo pa para malaman yan". kaya may follow up question si ineng....

ineng: inay... bakit hindi pa uli kayo nagawa ni itay ng baby?

inay: yaan mo ineng, pag nakabayad kami ni itay ng utang magkaka baby na uli si inay.

ineng: basta inay ibibili mo po ako ng dress sa christmas special namin ha.

inay: christmas party ineng ang tawag not christmas special. oo, bibili tayo. mapag iipunan natin yan hanggang december.

at biglang tumigil ang usapan namin kasi nakakita siya ng baka at nasabi niyang ito ay kambing. bakit daw yun baka eh parang big kambing. hehehe...parang yung pomelo -- big orange.

at itay... i check mo nga yung butihing author ng parenting book na nabasa ko at pasasalamatan ko dito hehehe (feeling!!!). anjan pa yun sa pasay eh. sadya kong iniwan para basahin mo. :)