Thursday, November 23, 2006

Pathetic Wives

* Please Forgive Me... The following sentences are not suitable for those who cannot relate. "okrayan" time po ito. Patawarin po ako.

I saw my former classmate. She can't believe how "big" have I grown. Well the story goes on... blah blah... what happened after graduation... yakity yak yak... Then she opened the topic --- Kids. Which on my side, she's not that humble enough to tell me that her kids RARELY eats fish and veggies and always on pork, hotdogs and chicken. And the endless yayas that came to them. And all the old school mothering stuff. What her kids are eating for their baon with specific brands and those fastfood junks. Hello?!?! Forgive me but I hate that usual blabber blabber chit chat. I'm not digging my fellow mommies in my kid's school because they are having their pisses higher than the ceiling of the school just to brag and boast and show off. Being proud that their husbands are far far away digging for gold and there they are... crappy, pathetic wives.


Ayan. hehehe... ang sama ko daw mang okray. ok na ko. nailabas ko na. thanks at may blogger. :D mwah

Sunday, November 19, 2006

win win win

manny wins. in just three rounds. tubong lugaw na naman. kaya lang kuya packy sana sa jollibee ka na lang nag commercial para bida ang champ! pero siguro nauna si ronald... well... nothing against mcdonald's pero mas pinoy ang dating ng jollibee :) yun lang. congrats!

Saturday, November 18, 2006

happy birthday!!!

happy Birthday

Ivy
May
Mitzi


!!!!!!!!!!!

ang alam ko ga meron pa kaso di ko matandaan.... pasensha na ha... :D

Friday, November 17, 2006

maligayang kaarawan



happy birthday myles!!! take care always!


*si myles nga pala yung pinag gigitnaan ng dalawang muse :D

Thursday, November 16, 2006

pang ulam

ineng: inay, what's our pang ulam??
inay: gulay at fish ineng.
ineng: wala po tayong pang ulam na animal??

hehehe

Saturday, November 11, 2006



nakita ko ito and upon reading it, I terribly miss her. She's having her not so happy life in Syria... Ingat ka lagi jan Myles. :)

Friday, November 10, 2006

Dream Boy



ang gwapo niya noh... hehehe pero wag mo siya gagalitin...

Thursday, November 09, 2006

Maligayang Kaarawan



happy birthday miss tina.. all the best and happiness we wish! love you!

Wednesday, November 08, 2006

the road less travelled





this was taken last oct. 31.... lalo kong namiss ang feeling ng tunay na bukid... baku bako ang daan... puro damuhan... simpleng simpleng pamumuhay... malayo sa kapitbahay... walang gate... sa bukid din nabuo ang mga fears ko... fear sa dilim, kidlat, sa mga paranorms like mumu... sa bukid din ako nakaranas na kaladkarin ng baka... naku oo nga pala may shot nga pala ako nun na ang background eh yung kalabaw... hmmmm hanapin ko nga... feeling ko nga turista ako nung nagpakuha ako... hehehe

ayaw ko ng ituloy yung tsismis. baka ako pa pag ugatan ng lahat. tama na yun.

Tsismis

Pagkababa ko, naabutan kong nakikinig si nanay ng radyo. aba at iba ang nasa talapihitan ng nanay... rmn. dzxl... mga bading ang on-air... nakinig ako... sina ogie diaz pala then yung isa then si tiya pusit. tawa ako ng tawa kasi na guest si lolit solis on the phone. nag guest daw kc si lolit solis kay dj moe. may hidwaan yata yung talaga. ayun tinanong ni ogie kung ano mga questions sa kanya... yung mga nahirapan lang na tanong ang sinabi ni manay lolit tulad ng .... sino sa showbiz ang may pinakamabahong hininga.... sino ang bading na hindi umaamin...

sandali lang ha. brb. hehehe

Tuesday, November 07, 2006

Lahat Legal Wife

Kagabi sa kahahanap ko ng hinahanap ko na hinding hindi ko makita eh nakapanood tuloy ako ng I-Witness. Si Sandra Aguinaldo ang researcher about the Muslims of having three to four wives. As Miss Aguinaldo comments that it was very hard for her to understand these women, eh mas lalo na ako. Well, after all we're only humans. It's part of their culture and religion. I have nothing against them. Pero nanaig pa rin pala ang insecureness at pagseselos sa bawat isa. Aba'y shempre. Ikaw na itong kasama mo sa iisang bubong ang ibang asawa ng asawa mo. Ang hirap. And tulad natin, may ego din sila. Maraming pride chicken. Ang hirap din para sa kanila pero they can get along naman. Hanga din ako sa kanila for being tough women. :)

Saturday, November 04, 2006

Eating Disorder

lahat tayo nagdadaan sa ganitong sitwasyon. ako din may "eating disorder" hehehe kain kasi ako ng kain di ga disorder din yun. pero umaayaw din naman ako pag ubos na. hehehe
i have some friends who eat thousands of bandehados of kanin but still skinny... it made me hard to believe. samantalang ako mag bawas ng pagkain for one week eh babalik uli sa dati sa isang order ng yang chow rice. :D minsan nakakainis pero minsan lang kasi thankful pa rin ako at hindi ako nagiging anorexic or bulimic. ibig sabihin nun, wala pa akong tililing. hehehe. kanina pa inaagaw ng attention ko itong pringles sa tabi ng upuan ni ineng. antay nga at matingnan kung meron pang laman.

Friday, November 03, 2006

life's fair - unfair

after a couple of thousands of years, nagkaron na naman ako ng job interview... kelan nga ga yung huli??? ay nung nagpasa ako sa for digital chuva... and then ito nga... went out well and good... and since dito lang sa magiging job na ito nafeel ko ang go signal ni itay... kakaririn ko na. tutal carry ko naman. and if i don't get?? marami pa akong job "on-line". hehehe. fair for me. :)

life's unfair for reese witherspoon. isa pa mandin siya sa mga idols ko for being a hands-on mom. dahil sa napipintong paghihiwalay nila ni philippe eh 50-50 ang hatian ng conjugal property... samantalang the wife is earning more. at saka ang kafal ng jamuks ni ryan, siya na nga ang bad eh... ay... parang chismis na ito. hehehe.

si ms. luli arroyo naman... ayos din naman siya kasi pumipila siya ng maayos like the ordinary people do. na sampulan ang taga bid. ganan naman talaga ang mga taga bid, maraming beses na silang ganan. kaso nga lang people unlike luli cannot do anything kasi pag ikaw nagreklamo you have to undergo through a lot of process at baka in the end ikaw pa ang mali eh di lalo kang di nakaalis. kaya wag na lang para maka alis ka na. life's unfair noh.

si bryanboy gumawa na naman ng eksena. aba.... nadadaig si cofibean.... hehehe ang hindi nila alam lalo lang nilang pinayayaman ang mga taong nasa likod nito... kaya mga bakla isulong lang ng isulong para yumaman din kayo. life's unfair... kasi ang daming hits ni bryanboy... hehehe

Wednesday, November 01, 2006

baby making

kahapon sumabay kami sa mga nanay tiya sa pagdalaw sa Taysan Public Cemetery. May kahabaan ang byahe kaya buti na lang at may private vehicle silang dala. Kaya ayos na ayos ang upo namin at nakakapaglambingan pa kami ni ineng sa likod ng biglang....

ineng: inay, paano ga po ginagawa ang baby? paano ka nabuntis? alam ko po love nyo ako ni itay pero paano?

----buti na lang at nakapag basa ako ng isang parenting book na ang ganitong mga katanungan ng bata ay hindi dapat pinalalampas ng isang magulang na walang isang makabuluhang kasagutan. at tama ang author ng libro karaniwang naiisip ng mga bata ang ganitong klase ng tanong kapag nasa mahabang byahe... kaya sinagot ko na lang sa abot ng aking makakaya...

inay: ang baby ay nabubuo sa pamamagitan ng egg cell ng mother at sperm cell ng father.

----sabi ng author ng parenting book na nabasa ko, ganun lang naman kasimple ang sagot. at tama rin si author, pag nasagot mo ng direct to the point eh hindi na nagpapa elaborate ang bata. mas lalo lang naku curious ang bata kung ang isasagot daw eh... "napakabata mo pa para malaman yan". kaya may follow up question si ineng....

ineng: inay... bakit hindi pa uli kayo nagawa ni itay ng baby?

inay: yaan mo ineng, pag nakabayad kami ni itay ng utang magkaka baby na uli si inay.

ineng: basta inay ibibili mo po ako ng dress sa christmas special namin ha.

inay: christmas party ineng ang tawag not christmas special. oo, bibili tayo. mapag iipunan natin yan hanggang december.

at biglang tumigil ang usapan namin kasi nakakita siya ng baka at nasabi niyang ito ay kambing. bakit daw yun baka eh parang big kambing. hehehe...parang yung pomelo -- big orange.

at itay... i check mo nga yung butihing author ng parenting book na nabasa ko at pasasalamatan ko dito hehehe (feeling!!!). anjan pa yun sa pasay eh. sadya kong iniwan para basahin mo. :)