Wednesday, August 09, 2006



PERSONAL NA OPINYON base sa aking personal na buhay.

ayaw ko sana ng ganito... tingin ko mas lalong magiging mababa ang tingin sa atin ng mga dayuhan... mag aapply ka sa ibang bansa bilang isang empleyado ng kompanya tapos itatanong sa iyo..."why apply here? you're supposed to be a supermaid?"
sana ang inayos na lang eh yung mga illegal recruiter na gumagawa ng human smuggling... kung anu-ano ang ipapangako pag narito tapos pagdating doon masahol pa sa hayop ang turing sa iyo... nabasa ko ang mga naging karanasan ng mga pilipina sa ibayong dagat... minamaltrato daw sila... panis na pagkain... katabi ang aso sa pagtulog... pagagalitan at bubugbugin dahil lang sa isang pagong... kalagitnaan ng gabi, kakatukin ang kwarto at mabubungaran ang amo na pilit daw pinahahawakan ang b8r@+... nababalitaan---tumalon sa building... nasisiraan ng bait dahil sa kamaltratuhang nararanasan... kahindik hindik... tapos may mga programa pang ganyan??? nalulungkot ako... pero ano naman ang magagawa ko.. isa lang akong ordinaryong mamamayan... salat...nangangarap din... na ang tanging maitutulong lang ay pag aalay ng dasal.