Tuesday, August 08, 2006

kung maibabalik nga lang

ang aga kong nagising ngayon.... may kaagahan kasi akong natulog. sumama ang pakiramdam ko. at gusto ko na ring tawagan ang isang kaibigang nasa ibayong dagat. naghihirap ang kalooban at nagdudusa ang kaisipan sa kanyang kamalian. saan nga ba siya nagkamali??? ang alam ko ang tanging pinagkamalian mo ay nabulag ka sa iyong mga pangarap na maka ahon agad sa hirap sa madaliang paraan. alam kong napakahirap ng buhay dito sa atin. pero hindi solusyon ang bigla bigla pagdedesisyon lalo pa't ang patutunguhan mo ay may kalabuan. hanggang ngayon nakakiling pa rin ako sa telepono sa kadadial. tanging pagtawag ko at pakikipag kamustahan ang aking maitutulong. masakit din sa akin na hanggang doon na lang ang kaya kong gawin. pero alam kong kahit katiting ay mapaliligaya na rin kita. ang kaso kay hirap mong abutin. ngalay na ang leeg. binging bingi na ko sa rrriiinnnnggg!!! hindi mo pa rin sinasagot. wari ko'y may dalawampung beses na akong nagtatangka. ano ga naman?!?! sagutin mo ang telepono!!!! hoyyyyyy.... hay naku...

ito sana ang mga balak kong sabihin....
- o, ano kamusta ka na???
- gusto mo na ga talagang umuwi??? sabihin mo sa iyong kabiyak pumunta sa owwa... magpatulong na pauwiin ka...
- hindi ka pa bayad ng utang??? dito mo na bayadan ang utang ninyo. dito ka na magtiis kesa sa paalipin ka diyan.
- namimiss na kayo ni ineng ng anak mo. bakit daw hindi na kayo napunta dito.
- teka ano ga yan. napapaiyak na ko. kamusta na ga? lagi kang mag iingat diyan. magdasal ha! wag isip ng isip.

masambit ko kaya yan pag sinagot mo ang telepono???? ayan ibinaba ko na din. tuuuut tuuuut na lang ang aking naririnig...

hello?!?! parang may kumaluskos sa kabilang llnya... hmph... dala lamang pala ng malaks na buhos ng ulan dito.

ayan sinusubukan ko na uli. rrrrriiingggg... hhaayyy... talagang walang sumasagot...

alam kong hindi ito ang pangarap ko. ako man din ay hindi ito ang hangarin sa buhay. alam kong pilit nating tinitimbang ang pagmamahal sa pamilya at ang pagkakaron ng maraming pera, dahil alam nating hindi kayang pakainin ng pagmamahal ang nagugutom na sikmura. pero ang sa akin hindi naman aabot sa ganyang kang kalayo at halos ikabahala ng mga mahal mo sa buhay ang iyong kalagayan diyan at iyan ay kung ipina alam mo sa kanila. talagang ang hirap ng sitwasyon.

--o ano tiis tiis muna??? tatapusin mo na lang???

kung ano man ang desisyon mo... wala akong masasabi kundi lagi kang mag iingat diyan. alam mo namang simula't sapul na sabihin mo yan sa amin ay tutol na kami. kunsabagay... walang nagsisisi sa una... laging nasa huli...

at ako'y nakalikha ng ganitong kahabang litanya dahil sa ngalay ng katatawag sa iyo... wag kang mag alala susubukan ko uling tumawag. hindi ko titigilang subukan hangga't di tayo nagkakausap.....