Saturday, May 20, 2006

eggless tortang giniling

tortang giniling ang niluto ko kaninang almusal... sabi ko hmph di naman ito masarap walang egg. ayaw kasi ni itay ng may itlog eh. kaya harina na lang nilagay mula sa pillsbury... habang niluluto ko sha... may naalala akong kanta ng datu's tribe..."baka mapasama ako sa giniling..." pero mas natawa ako sa sunod kong naalala...minsang namimili kami ni ineng sa supermarket nakakita siya ng tonetoneladang tray ng itlog.."wow!!!! inay ang sarap ang daming itlog!!!....kaso lang hindi naman tayo pwedeng bumili baka magalit si itay...bakit ga ayaw ni itay ng itlog eh meron naman shang itlog sa pototoy niya?? bakit yun di niya inaalis ayaw pala niya ng itlog???" gustung gusto kong bumunghalit ng tawa kaso lang pigil na pigil kasi once na nalaman ni ineng na natatawa ka sa sinabi niya uulitin niya ng uulitin hanggang sa mairita ka. hayyyy ang mga bata nga naman...yun nga palang torta ko nabuo naman... malutong pa.. pwede nga pang frisbee eh. hehehe