Saturday, May 27, 2006

Bzzz....


Bzzz...., originally uploaded by luisa_m_c_m_cruz.

yan ang picture perfect.... magandang timing...macro shot

Friday, May 26, 2006

Penguins


Oamaru, originally uploaded by Volda Shogun.

ang ganda.... just imagine 5 penguins... iipong ipong sa harapan mo. hehehehe

it's not


watermelon, originally uploaded by lay d lay.

it's not the legs, but the whole picture perfectly compliment with each other

Saturday, May 20, 2006

eggless tortang giniling

tortang giniling ang niluto ko kaninang almusal... sabi ko hmph di naman ito masarap walang egg. ayaw kasi ni itay ng may itlog eh. kaya harina na lang nilagay mula sa pillsbury... habang niluluto ko sha... may naalala akong kanta ng datu's tribe..."baka mapasama ako sa giniling..." pero mas natawa ako sa sunod kong naalala...minsang namimili kami ni ineng sa supermarket nakakita siya ng tonetoneladang tray ng itlog.."wow!!!! inay ang sarap ang daming itlog!!!....kaso lang hindi naman tayo pwedeng bumili baka magalit si itay...bakit ga ayaw ni itay ng itlog eh meron naman shang itlog sa pototoy niya?? bakit yun di niya inaalis ayaw pala niya ng itlog???" gustung gusto kong bumunghalit ng tawa kaso lang pigil na pigil kasi once na nalaman ni ineng na natatawa ka sa sinabi niya uulitin niya ng uulitin hanggang sa mairita ka. hayyyy ang mga bata nga naman...yun nga palang torta ko nabuo naman... malutong pa.. pwede nga pang frisbee eh. hehehe

Friday, May 19, 2006

Chopsuey

Kagabi chopsuey ang recipe ko... Buti naman at nasarapan ang mag ama ko... kala ko napadami ang sabaw pero tama lang pala... kaya ko na daw tapatan ang luto ng hotel... hmmm... kelan kumain si itay ng chopsuey sa hotel??? wala naman siyang nababanggit... hehehe... pero ako man ay nasarapan din sa luto ko... natuklasan ko na mas maigi pala kung hindi mo na lang ipiprito yung squid balls, hatiin mo lang sa apat at kasama mong pakuluan sa mga gulay na unang isinasahog para sa mas malasang chopsuey...pero may kulang....baby corn.

Inay's Instincts

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagsasampay ng bigla na lang akong pumasok muli sa silid... Bigla akong natigilan.. Bakit ako pumasok dito??? Hanggang sa nakita kong humahangos na bumangon si ineng...Tila naghahanap... Iiyak na sana pero nakita niya ako sa may paanan niya... "Inay...kala ko umalis ka na...Dedede...yung may kasamang chocolate.. puno... antok pa po ako... ayaw magmulat ng mata ko...." Kaya pala ako pumasok... para walang gulo :)

Thursday, May 18, 2006

Internet

si ineng....kaagaw ko na rin sa pag iinternet..... ang bilis ng panahon....

Wednesday, May 17, 2006

ten pesosessssss


iam ten pesosesssess richer ..... (in the picture)

Fiesta


Tuesday, May 16, 2006

evilish gulay

payphone --- bahagi na ng buhay

yupiiiiiiiiiii

yuuuuupiiiiii ..... ineng's expression of delight..... and nahahawa na rin ako. ayan na nga... yuuuupppiiiiiiiii online na po ako here sa harap ni boybawang. every second pwede akong mag blog. wakokokok