Sunday, April 23, 2006

Abubotechs

stuff i don't need... but i really really want... and i can't help it... malapit na naman birthday ko eh di ga...

Summer School

Ineng: Inay, manonood po ako ng Mermaidia, Robots, Beauty and the Beast... Ano pa po kaya???
Itay (sumabat): Ineng, you're watching those movies for the nth time! At saka pumapasok ka na sa school dapat hindi ka na nanonood ng gazillion movies in one sit...Saka ka na lang uli manood ng madami pag wala kang pasok ok.
Ineng: Itay, wala naman akong pasok pag gabi ah!?!?!?
Inay: Bwahaharharhar....Ipinanganak na ang katapat mo. :D

Sunday, April 09, 2006

palm sunday

maaga kami ni ineng gumising... nagsimba kami at nagpa bless ng palaspas. sabi ni ineng, "Inay ang daming pagaspas!!".... ineng, palaspas po....."Inay, nabasa ako ng coly water sa kilay"......hehehe.... ineng.....HHHHOLY po.

Friday, April 07, 2006

Ninong Bully

kasi lagi shang parang binu bully ni ninong eh palibhasa bata madaling umiyak
tinanong nya ko, "Inay, bakit ako laging pinaiiyak ni ninong???"
sabi ko e namimiss ka lang ni ninong kaya nilalaro ka niya.....
"Bakit Inay? hindi naman ako laruan ah..."

"Ay, Inay tingnan mo... tinapik ako ni ninong sa noo, paga na naman...." (just imagine, how exaggerated..... eh dumaan lang ang ninong sa harapan niya sabay tapik sa noo with the tissue he's holding.)


"Inay!!!!! Si ninong..... kinuhanan ang lata ng gatas ko!!!! Ayaw ko na niyan... Wag ka na diyan kukuha ng pangtimpla.... ibili mo na lang po uli ako ng bagong lata. waaaahhhhh!!!!!!!!!!!"


"Inayyyyyyyyyyyyyyy si ninong nga.... inililipat ang channel ng tv sa pangmatanda..."

Bahite

When will I ever learn, when to burn.... kaya yan nasasaid ang laman ng pitaka.. ang hirap... bakit ganon?? hindi naman agosto...:/

Thursday, April 06, 2006

Mirror mirror on the wall

Nung bata pa ako, pag tumitingin ako sa salamin, akala ko may kakambal ako. Pero si ineng iba naman ang concept niya.....
"Inay?!?!..... Bakit po ako walang boses doon pero panay naman ang salita????"