Sunday, August 21, 2005

SELOS
tinatanong sa akin ni itay kung selosa pa daw ako. sabi ko, hindi na. bakit? nagtanda na ako. mahirap pala pag ganun. nangyari na sa akin nung una pero anong napala ko? sama ng loob at pugtong mata kaya sabi ko sa sarili ko ayoko na. pagkatapos ng ilang gabing pagmumuni muni, kung ayaw na sa akin eh di wag. anong magagawa ko kahit umiyak ako ng sampung drum, wala akong magagawa. kaya sa susunod na mangyari yun at dadating sa puntong kailangang mamili kung sino sa aming dalawa...hindi ko alam ang gagawin ko. basta hinding hindi na ako ang iiyak. ako na nga ang talunan, iiyakan ko pa. anong gagawin ko? ewan ko, bahala na.